LT ayaw munang isipin ang showbiz

Ang 5th Golden Screen Awards ng Enter­tain­ment Press Society ang unang showbiz event na pinun­tahan ni Lorna Tolentino mula nang sumaka­bilang-buhay si Rudy Fernadez noong June 7.

Si LT ang nag-win ng best actress trophy para sa isang comedy role dahil effective ang performance niya sa Katas ng Saudi.

Hindi pa mapapanood si LT sa Startalk dahil tatapusin muna niya ang 40th day ni Daboy.

Ayaw muna niyang isipin ang mga showbiz-related matters dahil marami pa siyang mas importante na dapat harapin at asikasuhin.

Nakatulong ang pagbabakasyon ni LT at ng kanyang mga anak sa Boracay.

Inabot sila doon ng malakas na bagyo at tinangay ng malalakas na alon ang ilan sa mga kalungkutan na nararamdaman ni LT.

Comments

Popular posts from this blog

The wife was VERY upset!

My Blog Is A Failure